WIKA NG PAGKAKAISA
“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.” Ito ang binaggit ni Rizal. Dapat yakapin natin ang sarili nating wika. Dapat gamitin at huwag ikahiya ang ating wika. Ang wika ay ang susi ng tagumpay ng ating bansa, ito ang magiging dahilan ng ating pagpadg-unlad ng ating bansa. “Pilino Ako, Filipino ang wika. Wika ko, Mamahalin ko ng Buong Puso.”
Bilang bigay galang sa Ama ng Wika na Manuel L. Quezon
ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Buong buwan ng Agosto ipinagdiriwang natin
ito. Sa mga paaralan gaya ng Ilocos Sur National High School mayroon silang
paligsahan na konektado sa pagdiriwang na ito. Sila ay nakikiisa sa pagdiriwang
na ito. Ibinibida nito ang kahalagahan ng paggamit ng Wikang Filipino.
Mahalagang gamitin ang sariling wika. Dapat malaman o matutunan
natin ang wikang ito. Saan man tayo magpunta kinakailangan alam natin ang
wikang ito upang hindi tayo maligaw. Ito rin ang ginagamit ng mga taong nasa
taas o nasa posisyon upang maintindihan ng nakararami ang sinasabi nila. Sa
Luzon, sa Visayas, at sa Mindanao o saan mang dako ng mundo na mayroong
Pilipino ito ay ginagamit nila upang sila’y magkaintindihan sa mga sinasabi
nila. Ito rin ang kadalasang ginagamit ng mga tao upang makahanap ng trabaho.
Ang Wikang Filipino ay nagsisimbolo ng pagkakaisa. Kung alam mong
gamitin ang wikang ito magkakaintindihan kayo ng kausap mo at makakapagbahagi
kayo ng sarili niyong opinyon.